Terorista lagot!
March 7, 2007 | 12:00am
Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Arroyo ang Republic Act 9372 o Human Security Act of 2007 na pinaniniwalaang magiging daan upang masugpo ang mga terorista sa bansa.
Apatnapung taong pagkabilanggo ang naghihintay na parusa sa mga taong mapapatunayang nagkasala sa ilalim ng RA 9372.
Papayagan na sa ilalim ng nabanggit na batas ang wire-tapping o paniniktik sa pamamagitan ng electronic at iba pang surveillance equipment, subalit kailangang kumuha ng written order sa korte angsimunang pulis o law enforcement official na magsasagawa nito.
Pero ipagbabawal ang surveillance, interception at recording ng pag-uusap sa pagitan ng abogado at kliyente nito, doctors at pasyente at journalists at kanilang mga sources at confidential business correspondence .
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Arroyo na walang dapat ikabahala ang mga Pilipino dahil ang mga bombers at hindi ang mga nagpo-protesta sa lansangan ang target ng nasabing batas.
"Law abiding Filipinos have nothing to fear in this law for it is a weapon that shall be wielded against bombers and not protesters," ani Arroyo.
Naniniwala si Arroyo na magiging epektibong panlaban sa mga terorista ang RA 9372 at magiging daan ito upang gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Sa isang panayam, sinabi naman ni House Speaker Jose de Venecia na maituturing pa ring mabisang panlaban sa mga terorista ang anti-terror law bagaman at sinasabi ng ilan na humina ang nasabing batas dahil ang nasunod ay ang bersiyon ng Senado.
Ituturing na terorismo ang mga sumusunod na krimen: piracy at mutiny sa karagatang sakop ng Pilipinas; rebellion o insureksiyon; coup d’etat (kabilang ang mga ilulunsad ng pribadong indibiduwal); murder; kidnapping at serious illegal detention; arson; paglabag sa Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990; Atomic Energy Regulation and Liability Act of 1968; Anti-Hijacking Law; Anti-Piracy and Anti-Highway Robbery Law of 1974; at illegal and unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunition or explosives.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Ludy Bermudo | 15 hours ago
Recommended