Cayetano ‘bokya’ sa Kongreso

Wala umanong naipasang panukalang batas si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa panahon ng panunungkulan niya sa House of Representatives.

Sang-ayon sa performance record ng secretariat ng House of Representatives, lumilitaw na bilang mambabatas ay walang naipasang panukalang batas si Cayetano, bagamat 12 House bill ang nai-file nito, kung saan tatlo ang naiakyat sa Senado, lima ang nakapending at apat ang na-substituted sa ibang panukalang batas.

Bunga nito, hindi tuloy maiiwasang maikumpara si Cayetano sa mga kapwa kongresistang sina Bukidnon rep. Juan Miguel zubiri na nangunguna sa kasipagan at may record na 61 panukala, 36 ang naka-pending, 15 ang na-substituted at dalawa ang naging batas; at si Surigao del Sur Rep. Prospero "Butch" Pichay na pumapangalawa sa kasipagan at may record na 66 panukalang batas, 40 ang nasa committee level, 13 ang na-subsittued at 13 ang naikyat sa Senado.

Sa isang banda, "zero bill" naman ang performance ni Cayetano sa Kongreso, ayon na rin sa record ng House Secretariat dahil hindi umano ito nakisawsaw man lang sa 37 batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan magmula nang magbukas ang sesyon nito noong 2004. (Malou Escudero)

Show comments