Ara Mina: Joma Sison? Kala ko si Jomari Yllana yun
March 4, 2007 | 12:00am
Sinagot ng aktres at singer na si Ara Mina ang naglabasang balita kamakalawa hinggil sa pakikipagsayaw at pakikipagduweto niya sa tagapagtatag ng Communist party of the Philippines at New People’s Army na si Jose Maria Sison sa isang Christmas Party sa The Netherlands noong nakaraang taon.
Sa isang panayam ni Joey de Leon sa programang Star Talk ng GMA-7 sa pamamagitan ng telepono, sinabi ni Ara na naimbitahan lang sila ni Janno Gibbs na magtanghal sa Europe at isa sa pinaglabasan nila ang naturang Christmas party. Sinabi pa niya na binayaran dito ang kanilang talent fee.
Kinumpirma niya na nakipagkantahan at nakipagsayawan siya sa mga Pilipinong dumalo sa party at isa nga roon si Sison na itinuturing sa United States at sa Europe bilang terorista.
Pero nilinaw ni Ara na hindi niya kilala si Sison at hindi niya namamalayan na ito ang isa sa mga nakaduweto niya sa naturang kasayahan. Nang mabasa niya sa mga pahayagan kahapon ang tungkol kay Sison ay noon lang niya nalaman ang tungkol dito.
Sa naturang party, itinuro rin sa kanya ni Janno si Sison pero hindi niya ito kilala.
"Ang kilala ko lang si Jomari Yllana," patungkol ni Ara sa aktor na dati niyang nobyo.
"Dami ngang nagtext sa akin tungkol doon," natatawang sabi ni Ara.
Samantala, binibig yang-katwiran ni Sison sa isa niyang pahayag kahapon ang pakikipagsayaw niya kay Ara.
Idinagdag pa ng aktres na isa siyang propesyonal at hindi niya tatanggihang makipaglitrato kahit kanino.
Sinabi ng lider-komunista na ang okasyon ay isang aktibidad ng mga Pilipinong nasa The Netherlands na dinaluhan din ng ilang opisyal ng pamahalaang Pilipino kaya walang masama rito.
Sinabi pa ni Sison na naroon din sa Christmas Party ang ibang lider ng National Democratic Front, at mga opisyal ng embahada ng Pilipinas na pinangungunahan ni Ambassador Romeo Arguelles. Okay lang anya sa kanya na makipagyugyugan, makipagkantahan at magpalitrato kasama ni Ara at Janno at sa ibang Pilipino dahil isang malaking kasayahan sa kanila iyon bukod sa isa siyang mahalagang bisita roon.
Pinuna ni Sison na ginagamit lang ng administrasyong Arroyo ang party para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa usapin ng mga extra-judicial killing o pagpaslang sa mga aktibista.
Nauna rito, binatikos ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang tila umano pagpapasarap ng buhay ni Sison sa ibang bansa habang nagpapakahirap sa kabundukan dito sa Pilipinas ang mga gerilya ng NPA.
Nilinaw din ni Sison na ipinoste sa kanyang website ang mga larawan niya kasama si Ara para maipakita ang pagiging malapit niya sa mga Pilipino sa The Netherlands. (Salve V. Asis)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended