Hindi kasi nagustu han ni Zubiri ang ginawa ng kanyang inupahang advance team sa Pangasinan at Baguio City noong nakaraang linggo kung saan personal niyang nakita na nakalagay ang kanyang mga posters sa mga puno.
Kaagad na sinabon ng mambabatas ang kanyang advance team na nagdikit ng mga posters at streamers dahil posibleng maging dahilan umano ito upang mamatay ang mga punong pinagdikitan ng mga campaign materials.
Ipapakilala ni Zubiri ang mga biodegradable at eco-friendly campaign materials na tiyak na hindi makakasira sa kalikasan.
May kaunting kamahalan ang campaign materials na yari sa abacca pero kusa itong nalulusaw at napapasamang muli sa lupa kapag nabasa ng tubig ulan. (MEscudero)