Ayon kay Pichay, ang paglalaan ng mas malaking pondog sa patalastas sa telebisyon sa unang bahagi ng kampanya ay bahagi ng kanyang overall campaign strategy.
Sinabi pa ni Pichay na wala namang nilabag ang pagpapalabas nila ng TV ads at nakasunod sa batas at regulasyon ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa media placements ang kanyang mga advertisements.
Idinagdag ni Pichay na ihahayag rin niya ang mga pangalan ng kaniyang mga kaibigan at supporters na tumutulong sa kanya upang magastusan ang mga ads sa telebisyon bago matapos ang deadline na ibinibigay ng Comelec.
Lumabas sa huling pag-aaral ng Nielsen Media Research na anim na miyembro ng senatorial slate ng administrasyon ay kabilang sa top 10 political advertisement spenders sa loob ng unang dalawang linggo ng kampanya kung saan nangunguna si Pichay na nakapagtala ng _33.40 minutong airtime.
Pero iginiit ni Pichay na hindi naman siya lumagpas sa itinakdang oras para sa patalastas na inilalaan sa mga kandidato batay na rin sa naging pahayag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos.
Inaasahan na tataas pa ang bilang ng political ads sa telebisyon habang nalalapit ang eleksiyon. (Malou Escudero)