‘Boom Tarat’ ipinagamit kay Recom
March 1, 2007 | 12:00am
Dalawang kandidato lamang ang pinayagan ng composer na si Lito Camo na gumamit ng kanyang "Boom Tarat Tarat" para sa kanilang campaign jingle.
Tanging sina senatorial candidate Juan Miguel Zubiri at Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, na tatakbo para sa re-eleksyon, ang maaaring gumamit ng sikat na kanta sa kanilang pangangampanya. Pawang tatakbo sa ilalim ng partido ng administrasyon ang dalawang pulitiko.
Naniniwala umano ang composer na mas lalong sisikat ang kanyang ginawang kanta kapag ginamit ito ng dalawang kandidato. Hindi umano matatawaran ang integridad ng dalawang kandidato.
Miyembro sina Zubiri at Echiverri ng sikat na Spice Boys, grupo ng magagaling na mga kongresista, noong 12th Congress.
Sina Mayor Recom, senatoriable Migs Zubiri at Mike Defensor, Cong. Ace Barbers, at Sec. Noynoy Andaya ang ilan sa mga sikat na miyembro ng Spice Boys.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am