Kasama sa koalisyon ang Alagad, Alliance of Volunteer Educators (AVE), Ang Laban ng Indigenong Filipino (ALIF), Association of Philippine Electric Cooperative (APEC), BUTIL Farmers Party, Veterans Freedom Party (VFP) at National Confederation of Cooperatives/Multi-purpose Cooperatives (Coop-Natco).
Layunin ng koalisyon ang magkabit ng kuryente sa 2,000 barangay, palakasin ang mga komunidad na biktima ng land grabbing, pangalagaan ang karapatan at kultura ng mga katutubo, siguruhing makamtam ang pangarap ng mga pamilya na magkaroon ng tahanan, tulungan ang mga farmers cooperative at cooperative rural banks na matugunan ang patlang na namamagitan sa produkto at merkado, isulong ang karapatan ng mga beteranong nakipagdigma upang mapanatili ang demokrasya, at siguruhin ang abot-kaya at de kalidad na edukasyon para sa lahat.
Sa isang covenant na kanilang nilagdaan, sinasabi ng mga kasapi ng koalisyon na sa loob ng 30-taon o mahigit pa, sila ay tahimik at walang yabang na naglingkod para sa kanilang mga sector.
Lahat ng mga party list na kasama sa koalisyon ay kasalukuyang nakaupo sa 13th Congress. Lahat din sila ay tumatakbo upang muling mahalal.