Ibinasura ng U.S. noong Linggo ang petisyon ni Bolante dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya na manganganib ang kanyang buhay kapag bumalik siya sa Pilipinas.
Binigyan si Bolante ng US Immigration and Naturalization Service nang 30 araw para umapela. Maaaring madeport siya pabalik sa Pilipinas kapag hindi niya ito nagawa.
Kaugnay nito. sinabi ni Presidential Legal Adviser Sergio Apostol na hindi makikialam ang Malakanyang sa kaso ni Bolante at sariling desisyon na nito kung hindi aapela.
Sinabi pa ni Apostol na mainam kung babalik na lang sa bansa si Bolante para malinawan nito ang mga akusasyon laban dito.
Napipintong ares tuhin si Bolante sakaling bumalik siya sa Pilipinas dahil sa nakabimbing warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ng Senado kaugnay ng imbestigasyon nito sa fertilizer scam. (Lilia Tolentino at Rudy Andal)