Bolante supalpal sa asylum
February 27, 2007 | 12:00am
Tinanggihan ng pamahalaan ng United States ang asylum bid ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" Bolante na nahaharap sa usapin ng P728 milyong fertilizer scam.
Ibinasura ng U.S. noong Linggo ang petisyon ni Bolante dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya na manganganib ang kanyang buhay kapag bumalik siya sa Pilipinas.
Binigyan si Bolante ng US Immigration and Naturalization Service nang 30 araw para umapela. Maaaring madeport siya pabalik sa Pilipinas kapag hindi niya ito nagawa.
Kaugnay nito. sinabi ni Presidential Legal Adviser Sergio Apostol na hindi makikialam ang Malakanyang sa kaso ni Bolante at sariling desisyon na nito kung hindi aapela.
Sinabi pa ni Apostol na mainam kung babalik na lang sa bansa si Bolante para malinawan nito ang mga akusasyon laban dito.
Napipintong ares tuhin si Bolante sakaling bumalik siya sa Pilipinas dahil sa nakabimbing warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ng Senado kaugnay ng imbestigasyon nito sa fertilizer scam. (Lilia Tolentino at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended