Kahit aniya "guilty" ang maging hatol kay Estrada ay maaari itong i-pardon o pakawalan, ang importante ay malaman ng bayan ang magiging hatol sa plunder case nito sa Sandiganbayan.
"Tapusin muna ang kaso, then pakawalan, guilty or not. Pero hindi puwede yong sinasabi nila na pakawalan muna bago matapos ang kaso," ani Singson na dumalo sa Flower Festival sa lungsod na ito kahapon kasama ang ibang kandidato ng Team Unity.
Dapat din aniyang aminin muna ni Estrada ang kanyang mga naging kasalanan bago ito palayain.
Ang mahirap aniya kay Estrada ay patuloy itong tumatanggi sa kanyang kasalanan kahit umamin na ang dating kaibigan na si Charlie "Atong" Ang.
Magiging "bad precedent" aniya kung basta na lang pakakawalan si Estrada nang hindi natatapos ang kaso at hindi umaamin sa kanyang mga kasalanan.
Sinabi pa ni Singson na si Saddam (Hussein) ay nahatulan na ng kamatayan kaya dapat na ring ibaba ang hatol kay Estrada pero hindi siya pabor na patayin din ito. "Si Saddam pinatay na nga eh. Pero hindi ko sinasabing dapat ding patayin si Estrada. (Malou Escudero)