Noynoy pumalag sa political dynasty
February 24, 2007 | 12:00am
Pumalag kahapon si Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino III sa isyung ibinabato sa kanya kaugnay sa political dynasty kung saan iniintriga siya at ang kanyang tiyahing si dating Sen. Tessie Oreta.
Partikular na tinukoy ni Aquino ang ads na lumabas sa mga pahayagan na ipinalathala ng grupong Alyansa Laban sa Dynasty (ALADYN) kung saan pinangalanan siya at si Oreta na kabilang sa "Kamag-anak Inc. Kalaban ng People Power".
Ipinaalala ni Aquino na noong nakaupo pang presidente ang kanyang ina ay wala sa kanila na tumakbo sa anumang posisyon upang hindi maakusahan ng political dynasty.
Sinabi pa ni Aquino na hindi siya maaaring akusahan ng political dynasty dahil hindi pa naman siya naluluklok sa Senado.
Naniniwala si Aquino na panglilito sa taumbayan ang Ads ng ALADYN dahil sa malakas na suportang kanyang nakukuha sa iba’t ibang sector ng lipunan. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended