Sa pagsisiyasat ng komisyon, bagaman wala silang direktang ebidensiya, nakakalap ito ng circumstancial evidence na sangkot ang ilang sundalo at sila (militar) ang tanging may motibo sa pagpaslang sa mga militanteng aktibista dahil "kaaway sila ng estado."
Sinabi rin sa report na hindi man lang pina-imbestigahan ng AFP ang insidente ng mga pagpatay.
Binanggit din sa report ang salitang "neutralize" pero hindi anya nangangahulugan na dapat silang patayin.
Tiniyak naman kahapon ni Pangulong Arroyo na malulutas ang mga insidente ng pamamaslang kasabay ng pagsasabing, bagaman hindi itinatanggi ng pamahalaan na ilang militar ang sangkot dito, 99 porsiyento ng AFP ang magpapatuloy bilang tagapagtanggol ng mamamayan. (Lilia Tolentino)