^

Bansa

Crime rate sa Caloocan bumaba

-
Bumaba ng malaking porsiyento ang krimen sa buong lungsod ng Caloocan simula Enero hanggang sa kasalukuyan kumpara noong nakalipas na taon.

Sa ginanap na "Ugnayan ng Pulisya at Barangay kamakalawa, iniulat ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri na umaabot sa 36% ang ibinaba ng krimen sa kanyang pinamamahalaang lungsod dahil na rin sa ipinakitang sipag at dedikasyon sa trabaho ng mga pulis na pinamumunuan ni Supt. William Macavinta.

Ayon kay Echiverri, ang pagpapakalat ng mga pulis sa bawat sulok ng lungsod ay isang dahilan upang magdalawang-isip ang mga kriminal na gumawa ng kasamaan bukod pa sa mga checkpoints sa lahat ng pasukan at labasan ng Caloocan City .

Pinuri din ni Echiverri ang mga opisyal at tanod ng barangay dahil sa ipinakikita ng mga itong pakikipagtulungan sa pulisya sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang lugar na nasasakupan.

"Follow your leader not only by his authority but by your heart", makahulugan pang saad ng alkalde sa mga dumalo sa Ugnayan ng Pulisya at Barangay na ginawa sa Bulwagang Bonifacio ng Caloocan City Hall.

Dumalo rin sa pagdiriwang sina PNP chief Director Gen. Oscar Calderon, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Gen. Reynaldo Varilla, Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Pedro Tango at mga hepe ng pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga masasamang elemento ng lipunan na sa halip na gumawa ng kasamaan ay makipagtulungan na lamang sa pulisya at sa lokal na pamahalaan upang maging maayos at maunlad ang naturang lungsod.

BULWAGANG BONIFACIO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CHIEF SUPT

DIRECTOR GEN

ECHIVERRI

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with