Ito ang sinabi ni Pimentel matapos na maghayag ng kanyang report si Philip Alston, United Nations special rapporteur, na nagpunta sa bansa upang imbestigahan ang mga pagpatay,
"Sa ilalim ng international law, katungkulan ng isang bansa na protektahan ang mga mamamayan. Ang malaking bilang ng mga hindi pa nareresolbang pagpatay sa ating bansa ay nangangahulugan ng isang halimbawa ng likidasyon ng mga aktibista at mamamahayag. Hindi ba naalarma ang administrayong Arroyo rito?" wika ni Pimentel.
Sa kanyang report, binatikos ni Alston ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagtanggi nitong umamin at aksiyunan ang mga pagpatay na isinisisi sa kanila.
Sinuportahan ni Pimentel ang pahayag ni Alston na kailangang isapubliko ni Pangulong Arroyo ang nilalaman ng Melo Commission report upang malaman ng mga Pilipino ang katotohanan sa mga pagpatay,
Idinagdag ni Pimen tel na ang report ni Alston ay patunay lamang na gagawin ng administrasyong Arroyo ang lahat ng pananakot laban sa mga ordinaryong tao na pinaghihinalaang kumakalaban sa kanila. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)