Sinabi ni Fernandez na nabigyan na si Cayetano ng certificate of recognition bilang Filipino Citizen sa panahon ni dating BI Commissioner Andrea Domingo noong 1992 at kinatigan naman ito ni dating Justice Secretary Teofisto Guingona.
Nilinaw ni Fernandez na hindi binubusisi ng kanyang tanggapan ang pagkamamamayan ni Cayetano dahil hindi na iniimbestigahan ng BI ang mga idineklarang Pilipino, naturalized man o natural-born.
Taliwas ang pahayag ni Fernandez sa naunang deklarasyon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hindi natural-born Filipino si Cayetano dahil nag-apply ito ng Alien Certificate of Registration noong 1992.
Pinuna ng kalihim na dapat ipaliwanag ni Cayetano kung bakit ito kumuha ng ACR. bagaman Pilipino ang ama nito.
Pero nagpalabas naman si Cayetano ng katibayan tulad ng kanyang birth certificate na nagsasaad na ipinanganak siya sa Mandaluyong, ama niya si dating Senador Rene Cayetano at Amerkana naman ang ina niyang si Sandra Schramm. (Grace dela Cruz)