Hindi umano epektibo bilang campaign manager ng Genuine Opposition (GO) si re-electionist San Juan Mayor Joseph Victor Ejercito kaya aalisin na ito sa puwesto. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, hanggang sa katapusan na lamang ng buwang ito magiging campaign manager ng GO si Mayor JV.
Posibleng ipalit sa kanya si dating Sen. Ernesto Maceda o sinuman mula sa GO executive committee.
"Ang kailangan ng GO ay isang campaign manager na mayroong appeal sa masa at kilala ng taumbayan para maging epektibo campaign manager ng oposisyon," wika pa ng source.
(Rudy Andal)