Team Unity duda sa ‘Erap boys’

Ilang kandidato sa Team Unity ng administrasyong Arroyo ang nagdududa sa katapatan ng ilang mga taong nangangasiwa sa kanilang kampanya sa eleksyon na pawang mga dating kapanalig ng napatalsik na Pangulong Estrada.

Ayon sa isang impormante mula sa Lakas-CMD, kinukuwestyon ng ilang kandidato ng Team ang pagkakakuha sa mga da ting tauhan ni Estrada para sa kanilang kampanya. "Kami ang nagtanim, kami ang nagsaing, tapos, iba ang kumain," sabi ng impormante.

Nangangamba rin umano ang mga kandidato ng administrasyon na isabotahe sila ng mga dating Erap boys. Hindi nagbanggit ng pangalan ang impormante pero matatandaang kinuhang campaign manager ng Team si Reli German na campaign manager din ni Estrada sa halalan noong 1988.

Deputy naman ni German ang isa pang dating bata ni Estrada na si Ike Gutierrez. (Malou Escudero)

Show comments