Pasaway na partylist, alisin
February 19, 2007 | 12:00am
Nais ng isang progressive partylist group sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang tatlong party-list organizations na inakusahang nasa likod ng pamamaslang sa tatlo katao sa Nueva Ecija.
Ayon kay Aksyon Sambayanan president Timoteo ‘Boy’ Aranjuez, sa ilalim ng Republic Act 7941 o Party-List System Act maaari nitong siyasatin ang reklamo laban sa anumang mga party-list groups at tuluyan alisin sakaling mapatunayan na may kinalaman sa anumang krimen.
Nabatid na pinapa-disqualify sa Comelec ang mga partylists na Bayan Muna, Gabriela at Anakpawis maging ang kanilang mga kinatawan na sina Satur Ocampo, Teddy Casino, Rafael Mariano, Liza Maza at Crispin Beltran matapos akusahan ng mga biyuda ng dalawang Akbayan volunteers na nakikipagsabwatan umano ang tatlong partylist group sa New People’s Army sa pamamaslang sa kanilang mga asawa.
Iginiit ng AKSA na hindi lamang mga nuisance candidate ang dapat na alisin sa listahan ng Comelec kundi maging ang mga partylist na nangunguna sa pagsasagawa ng karahasan. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest