Revamp sa BJMP iginiit
February 19, 2007 | 12:00am
Dahil sa nadiskubreng umano’y shabu tiangge sa loob ng Quezon City Jail, iginiit kahapon ng ilang kongresista sa Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng balasahan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, dapat mahinto ang pagpupuslit ng droga sa loob ng bilangguan at matigil ang pagbibigay ng special treatment sa mga bilangguang kontrolado ng BJMP, sa mga maimpluwensiyang bilanggo katulad ni dating National Bureau of Investigation (NBI) agent Martin Soriano.
Nais din ni Rep. Ga rin na ipatawag ng House committees on dangerous drugs at public order and safety si BJMP officer-in-charge C/Supt. Clarito Jover para linawin ang ulat na may nahuling 147 sachets ng shabu sa QC Jail.
“This matter should be thoroughly investigated and persons responsible should be penalized. A shabu tiangge cannot exist without the connivance of a group to protect it. The BJMP should be revamped and examined not only in QC but all throughout the country as abuses like illegal but temporary release of prisoners is being tolerated,†ani Garin. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended