“They should scrap the contract, there is something sinister about it. Imagine NPC entering into a company called Lanao Hydro but nobody in Mindanao knew such firm exists,†ani Dimaporo, miyembro ng House committee on energy.
Sumama na sa mga tutol sa kontrata si Rep. Dimaporo at asawa nitong si Gov. Imelda Dimaporo.
Nagbabala ang dalawa sa mga prospective investors ng Lanao Hydro na mag-ingat sa paglalagay nila ng puhunan sa Agus 3 project, gayundin ang mga foreign investors ay dapat na mag-ingat sa pagsuporta sa Lanao Hydro upang hindi masayang ang kanilang puhunan.
Pinangangambahan na tumaas sa 100 porsiyento ang presyo ng kuryente sa Mindanao kapag natuloy ang kontrata.
Kung patuloy aniyang tatanggi ang NPC na kanselahin ang kontrata at dapat naman itong imbestigahan ng Office of the Ombudsman o ng Office of the Government Counsel. (Malou Escudero)