^

Bansa

Tulong ni GMA hingi sa Mindanao power deal

-
Umapela na si Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo kay Pangulong Arroyo na utusan ang National Power Corp. (Napocor) na ibasura ang kontrata nito sa Lanao Hydro Development Corp. na pinangangambahang magreresulta sa mataas na presyo ng kuryente sa Mindanao.

“They should scrap the contract, there is something sinister about it. Imagine NPC entering into a company called Lanao Hydro but nobody in Mindanao knew such firm exists,” ani Dimaporo, miyembro ng House committee on energy.

Sumama na sa mga tutol sa kontrata si Rep. Dimaporo at asawa nitong si Gov. Imelda Dimaporo.

Nagbabala ang dalawa sa mga prospective investors ng Lanao Hydro na mag-ingat sa paglalagay nila ng puhunan sa Agus 3 project, gayundin ang mga foreign investors ay dapat na mag-ingat sa pagsuporta sa Lanao Hydro upang hindi masayang ang kanilang puhunan.

Pinangangambahan na tumaas sa 100 porsiyento ang presyo ng kuryente sa Mindanao kapag natuloy ang kontrata.

Kung patuloy aniyang tatanggi ang NPC na kanselahin ang kontrata at dapat naman itong imbestigahan ng Office of the Ombudsman o ng Office of the Government Counsel. (Malou Escudero)

ABDULLAH DIMAPORO

DIMAPORO

IMELDA DIMAPORO

LANAO HYDRO

LANAO HYDRO DEVELOPMENT CORP

MALOU ESCUDERO

MINDANAO

NATIONAL POWER CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with