Ang kontrobersiyal na payo ng komisyon ay isinagawa habang nakatakdang iapela ng pamahalaan ang karapatan ng mahigit 17,000 Pinoy nurses na nakapasa sa 2006 Nursing Licensure Examination na ngayon ay pinagbabawalang makapag-trabaho sa Amerika.
Sinabi kasi ng US Embassy na ang CGFNS decision ay hindi na mababago.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mismong si Pangulong Arroyo ang nag-utos ng pagsumite ng apela ng Pilipinas sa pamahalaan ng Amerika upang hilingin ang pahintulot ng makapagtrabaho doon ang naturang bilang ng mga Pinoy nurses.
Inihayag ng CGFNS noong Huwebes sa kanilang web site na ban sa Amerika at hindi nila papahintulutang makapagserbisyo roon ang naturang bilang ng mga Pinoy dahil umano sa nangyaring “massive cheating†noong 2006 nursing licensure exam dito sa Pilipinas.
Ayo pa sa CGFNS, hindi umano karapat-dapat na bigyan ng Visa Screen Certificate ang mga pumasa at nanumpang mga Pinoy nurses noong 2006 dahil kwestiyunable ang kredibilidad at maging ang kakayanan ng mga ito.
Nabatid na bawat foreign nurses na nagbabalak magtrabaho sa Amerika ay kinakailangan munang magkaroon ng VisaScreen certificate mula sa CGFNS bago makapagtrabaho ang mga ito sa naturang bansa.
“The integrity of foreign licensing systems ultimately affects the health and safety of patients in the United States, a primary consideration of CGFNS in its role of evaluating candidates under US Immigration Law,†saad pa ng CGFNS sa kanilang web site.