Kandidato pwede pang umatras hanggang Mayo 7
Binigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng hanggang Mayo 7, 2007 ang mga kandidato para mag-withdraw ng kanilang kandidatura sakaling magbago ang kanilang isip. Ilan sa posibilidad kung bakit iaatras ng isang kandidato ang kanilang pagtakbo ay dahil sa maaaring tingin nila ay hindi talaga sila mananalo, kawalan ng kakayahan na makapaglunsad ng maayos na kampanya at pagpapalit ng kandidato ng isang partido. Una nang umatras sa kanyang kandidatura si Leyte Gov. Jericho Petilla kamakalawa ng gabi at ipinalit si Cesar Montano ng Team Unity. Sinabi rin ni Abalos na marami pa ring mga partylist at mga kandidato ang nakatakdang madiskuwalipika sa oras na madesisyunan na ang mga "petition for disqualification" na isinampa ng ilang grupo. Kabilang na rito si Rep. Allan Peter Cayetano na naghain ng reklamo sa isa pang kandidato na si Jose Pepito Cayetano. (Danilo Garcia)