^

Bansa

Solon tiklo sa 20 bala

- Butch M. Quejada -
"No one is above the law."

Ito ang mapait na leksiyon na natutunan ng isang Mambabatas matapos siyang dakpin ng mga kagawad ng PNP-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagdadala ng bala.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) kay P/Senior Supt. Atilano Morada, director ng PNP-ASG, nakilala ang Mambabatas na si Laguna 4th Dist. Rep. Danton Bueser, residente ng Alaminos, Laguna, at may hawak ng Diplomatic Passport No. DP 005480.

Nakumpiska mula kay Bueser ang 20 pirasong bala ng Cal.380 at isang magazine ng bala na walang laman.

Dahil sa pangyayari ay hindi na nakaalis si Bueser na nakatakda sanang magtungo sa San Francisco, California noong Biyernes ng gabi lulan ng PAL flight PR 114.

Ayon sa report, nakita ni Fernando Dantoni, X-ray operator na nakatalaga sa Final Security Checkpoint, ang imahe ng bala at magazine sa loob ng kulay blue-green na hand carried bag ni Bueser habang ito ay dumadaan sa X-ray machine.

Ipinagbigay alam ni Dantoni ang kanyang nakita kay PO1 Eugenio Liwag Jr., at sa harap ng Mambabatas ay pinabuksan ang kanyang bagahe, at tumambad ang mga bala at magazine na nakapaloob sa isang pouch bag na kulay brown.

Inamin naman umano ni Bueser na pag-aari niya ang mga bala at magazine at sinabing nakalimutan niyang tanggalin ito sa loob ng bag.

Gayunman, ipinaliwanag ng mga awtoridad na mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa sino man ang pagdadala ng bala sa loob ng airport "in any quantity or caliber."

Mahinahong sumama si Bueser sa tanggapan ng PNP-ASG upang maimbestigahan. Nabatid na hiniling ni Speaker Jose de Venecia at Cong. Prospero Pichay kay Chief PNP Oscar Calderon na i-release pansamantala si Bueser at ibigay sa kanilang custody.

Tinawagan ni Gen. Calderon si Col. Morada at sinabing ibigay sa custody ni Speaker De Venecia si Bueser dahil siya naman ay miyembro ng Congress.

Pumayag si Col. Morada na iturn-over si Rep. Bueser kay Rep. Pichay, subalit nilinaw ng Director ng PNP-ASG na itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Bueser dahil isang "lawful arrest" ang ginawa ng mga pulis.

vuukle comment

ATILANO MORADA

AVIATION SECURITY

AVIATION SECURITY GROUP

BALA

BUESER

DANTON BUESER

DIPLOMATIC PASSPORT NO

EFREN LABIANG

MAMBABATAS

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with