Petilla out na sa senatorial race: Cesar Montano pasok sa Team Unity
February 17, 2007 | 12:00am
Tuluyan nang umatras kahapon sa senatorial election si Leyte Gov. Jericho Petilla at ipinalit sa kanya sa Team Unity ticket ng administrasyon ang aktor na si Cesar Montano.
Sinabi ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio at Team Unity Spokesman Ace Durano, na sinunod ni Petilla ang kahilingan ng sarili nitong pamilya, mga lider at tagasuporta na huwag abandonahin ang lokal na posisyon ng gobernador.
Sinabi pa ni Claudio na mas nababagay kay Montano na kumandidatong senador kapalit ni Petilla dahil nagmula sa Visayas ang aktor partikular na sa Bohol at Cebu. Bukod dito, naniniwala anya sila sa kakayahan ni Montano.
Takdang inomina si Montano ng partido at kagabi ay nagtungo ito sa Comelec para isapormal na ang kanyang pagiging substitute candidate.
Ayon kay Durano, hindi maiiwan ni Petilla ang pagiging gobernardor kung walang papalit mula sa kanyang pamilya. Nagpasya nang magretiro sa pulitika at tumangging kumandidatong gobernador ang ina ni Petilla na si Remedios na nasa huling termino bilang kongresista.
Dahil dito, tatakbo na lang muli sa pagka-gobernador sa Leyte si Petilla. (Lilia Tolentino/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest