Ito ang sinabi ni Pangulong Arroyo matapos ang isinagawang raid ng pinagsanib na elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) at Caloocan Police sa isang bodega sa Caloocan City kahapon kung saan nakakumpiska ng tinatayang P6 bilyong halaga ng kemikal at mga equipment sa paggawa ng shabu.
Nakumpiska ang mga dram na naglalaman ng chloroform, sodium hydroxide, acetone, at phosphoric acid at mga kagamitan sa paggawa ng shabu sa loob ng gusali sa kanto ng 4th Ave. at P. Sevilla street, West Grace Park, Caloocan City.
Isinagawa ang raid batay sa natanggap na impormasyon na ibinagsak sa nasabing gusali ang mga kemikal at kagamitan noong Nobyembre 2006. Nagmula umano ang mga gamit sa China at dinala sa bansa para sa operasyon dito ng Hong Kong triad.
Sinabi ni NBI Special Investigator IV Isaac Cardeso na kasalukuyan na nilang pinaghahanap ang mga nasa likod ng operasyon ng laboratoryo na sina Robert Li, James Li at Eric Diaz.
Inuupahan umano ng mga suspek ang gusali sa may-aring nakilala na si Juanito Cardenas. Pinaghahanap rin ng mga awtoridad si Cardenas upang magbigay linaw sa pangyayari.
Pinapurihan naman ni Pangulong Arroyo si Ca loocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri dahil sa kampanya nito kontra droga sa kanyang lung sod.
Nais naman malaman ni Echiverri ang tunay na may-ari ng gusali at ang nasa likod ng shabu laboratory dahil maaari umanong hindi tunay na mga pangalan o alyas lamang ang nakuha ng NBI.
Umapela na si Echiverri sa NBI at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa operasyon ng ni-raid na shabu lab.