^

Bansa

Murder vs 4 solons

- Ni Malou Escudero -
Dawit sa kasong pagpatay ang apat na party-list solons kung saan isang subpoena na ang ipinalabas ng korte laban sa mga ito.

Sina Gabriela Rep. Liza Maza, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teodoro "Teddy" Casino, Anakpawis Rep. Rafael Mariano at 15 iba pa ay isinasangkot sa umano’y pagpatay sa hinihina lang mga militante na sina Danilo Felipe, Jimmy Peralta at Carlito Bayudang.

Nangyari ang sinasabing pamamaslang sa Nueva Ecija noong Peb. 18, 2001 kay Felipe na sinundan ni Peralta noong Dis. 23, 2001 at Mayo 6, 2004 kay Bayudang.

Inilabas umano ang subpoena ni Prosecutor Antonio Lapus, investigating prosecutor ng Nueva Ecija na ibinase sa rekomendasyon ni Senior Insp. Arnold M. Palomo.

Isang Julie Flores Sinohin ang lumutang nito lamang Nob. 22, 2006 kung saan itinuro nito si Rep. Maza na kasangkot umano sa krimen.

Inakusahan naman ni Maza ang gobyerno nang panggigipit sa pagkaladkad ng kanyang pangalan sa kasong pagpatay.

"It’s plain and simple harassment. It’s an old ploy to intimidate and sidetrack us," ani Maza. "These charges are a scheme of a desperate administration that is getting the flak from the international community for the unabated political killings in the country."

ANAKPAWIS REP

ARNOLD M

BAYAN MUNA REP

CARLITO BAYUDANG

DANILO FELIPE

ISANG JULIE FLORES SINOHIN

JIMMY PERALTA

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with