Senatorial bets ng UNO nagpatalbugan sa kampanya
February 15, 2007 | 12:00am
Simula pa lamang ng kampanya ng United Opposition (UNO) ay kanya-kanya na kaagad ang mga kandidato sa kanilang patalbugan na halos maghilahan ang mga ito pababa para sila ang mamukod tanging mapansin ng taumbayan at matandaan ng mga botante.
Ayon sa source, ayaw magpatalo sa isa’t isa ang mga "superstars" ng UNO tulad nina dating Sen. Loren Legarda, Sen. Panfilo Lacson at House Minority Leader Francis ‘Chiz’ Escudero.
Patalbugan kaagad sina Lacson at Legarda sa pagkakabit ng kanilang mga campaign posters habang ipapalabas naman sa lahat ng SM cinemas sa buong bansa ang political ad ni Escudero bilang pagsuporta dito ni SM owner Henry Sy.
Nagsimula naman ng kanyang pangangalap ng pondo si Lacson sa pamamagitan ng isang dinner kamakailan na ginanap sa Le Pavilion sa Macapagal Ave. kung saan nagkakahalaga umano ng P10,000 ang isang plato na dinumog naman ng mga negosyanteng Intsik na supporters ng mambabatas.
Bago umarangkada ang kampanya ay nagsimula naman si Legarda na magtanim muli ng mga puno sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para sa kanyang Luntiang Pilipinas program.
Ayon pa sa source, inaasahan na lalong magkakawatak-watak ang oposisyon habang papalapit ang eleksyon para lalo silang manguna kaysa sa kanilang kapartido at maungusan nila sa boto ang bawat isa. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest