Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, sa halip na gumamit ng maruming taktika sa kampanya, dapat pagbutihin ng mga national at local candidates kung paano sila makakatulong sa positibong pagbabago sa bansa.
Ang pahayag ay matapos magreklamo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pakana umano ng Palasyo ang paghahain ng kandidatura sa Senado ng isang nagngangalang Joselito “Peter†Cayetano ng partido KBL para lituhin ang boto ng mamamayan.
Duda ni Rep. Cayetano, sinadyang pinatakbo si Joselito para mahati ang boto niya. (Lilia Tolentino)