^

Bansa

Pacman kakandidato sa kongreso

-
Siniguro kagabi ni Peoples champ Manny Pacquiao na tatakbo siya bilang kongresista sa South Cotobato sa darating na May 14 congressional race sa ilalim ng Liberal Party-Atienza wing.

Sinabi ni Pacquiao, ang desisyon niyang kumandidato bilang kinatawan ng South Cotobato sa Kongreso ay bunga ng pakikipag-ugnayan niya sa mga lokal na lider sa kanilang lalawigan.

Ang magiging kalaban ni Pacman sa darating na congressional race sa kanilang lalawigan ay ang kanyang kinakapatid na si incumbent Rep. Darlene Antonino-Custodio na miyembro ng United Opposition (UNO).

Siniguro ni Pacquiao na magiging prayoridad niyang mga panukalang batas sa Kamara sa sandaling palarin na manalo sa darating na eleksyon ay iangat ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa South Cotobato. (Rudy Andal)

DARLENE ANTONINO-CUSTODIO

KAMARA

KONGRESO

LIBERAL PARTY-ATIENZA

PACQUIAO

RUDY ANDAL

SINIGURO

SOUTH COTOBATO

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with