Sa idinaos na convention ng Kabalikat ng Mamamayang Piliino (KAMPI), ang parti dong itinatag ni PGMA, sinabi ng Pangulo na malaki ang kanyang tiwala na mananalo lahat ang kandidato ng Team Unity.
Ang 12 kandidato ng Team Unity ay sina Sen. Edgardo Angara (ang gara ng kinabukasan), Mike Defensor (Tol para isulong ang programang pabahay), Rep. Prospero Pichay (Gulay ng ating buhay), Sen. Tessie Aquino-Oreta (kampiyon ng edukasyon), Sen. Joker Arroyo (kontra-abuso), Sen. Vicente Sotto III (kabataan kontra droga), Gov. Vicente Magsaysay (kampyon ng pamahalaang lokal), Gov. Luis ‘Chavit’ Singson (ipaglalaban ang karapatan ng pamahalang lokal), Gov. Carlos Petilla (kinatawan ng kinabukasan ng Central Mindanao), Rep. Miguel Zubiri (champion ng bio-fuel) at Sultan Jamalul Kiram III.
Dinumog naman ng mga senatoriables ang Comelec sa last day ng paghahain ng COC’s kung saan ay kabilang si actor Richard Gomez na tatakbong independent sa mga nagsumite ng kandidatura kahapon. Magsisimula naman sa araw na ito ang 90-days campaign period para sa mga kandidato sa senatorial elections. (Lilia Tolentino/Gemma Amargo-Garcia)