Sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, malugod na tinatanggap ng pamahalaan ang pagdating ng UN team na magsisiyasat sa sinasabing ‘extra-judicial killings’.
Ang dumating na UN team ay pinamumunuan ni Philip Alston, special rapporteur for extra-judicial killings, ay nakatakdang makipagpulong sa media organizations at human rights group.
Ayon kay Sec. Bunye, sa simula pa lamang ay kinokondena ni Pangulong Arroyo ang ganitong uri ng pangyayari kaya nagpalabas ng direktiba para imbestigahan ang nagaganap na extra-judicial killings kung saan ay puro miyembro ng militante at media ang kadalasang biktima.
Aniya, suportado ni Pangulong Arroyo ang lahat ng aspeto ng paghahanap ng katotohanan at handa ang gobyerno na ipagkaloob sa UN team ang lahat ng kailangan para maging matagumpay ang pagsisiyasat. (Lilia Tolentino)