^

Bansa

UN bubusisi sa ‘killings’

-
Suportado ng Malacañang ang gagawing imbestigasyon ng United Nations Probe Team kaugnay sa sinasabing mga kaso ng ‘extra-judicial killings’ na ang mga biktima ay grupo ng militante at media.

Sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, malugod na tinatanggap ng pamahalaan ang pagdating ng UN team na magsisiyasat sa sinasabing ‘extra-judicial killings’.

Ang dumating na UN team ay pinamumunuan ni Philip Alston, special rapporteur for extra-judicial killings, ay nakatakdang makipagpulong sa media organizations at human rights group.

Ayon kay Sec. Bunye, sa simula pa lamang ay kinokondena ni Pangulong Arroyo ang ganitong uri ng pangyayari kaya nagpalabas ng direktiba para imbestigahan ang nagaganap na extra-judicial killings kung saan ay puro miyembro ng militante at media ang kadalasang biktima.

Aniya, suportado ni Pangulong Arroyo ang lahat ng aspeto ng paghahanap ng katotohanan at handa ang gobyerno na ipagkaloob sa UN team ang lahat ng kailangan para maging matagumpay ang pagsisiyasat. (Lilia Tolentino)

ANIYA

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PHILIP ALSTON

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

UNITED NATIONS PROBE TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with