Trillanes pasok sa UNO!
February 12, 2007 | 12:00am
Pormal nang tinanggap kahapon sa 12 senatorial slot ng United Opposition (UNO) si Oakwood mutineer Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes IV.
Ito ang kinumpirma kahapon sa isang press conference sa UP, Diliman, Quezon City ng kampo ni Trillanes kasabay na rin ng pahayag na lumilitaw sa isang survey na pang-9 siya sa mga may tsansa na makapasok Senado sa May elections.
Kaugnay nito, hiniling din ng kampo ni Trillanes sa korte na buksan sa media ang kanyang kulungan para na rin sa kanyang mga plataporma at pangangampanya.
Ayon naman kay Gng. Estelita, 70, ina ni Trillanes, ilan sa mga nagtulak sa kanyang anak na tumakbo sa pagka-senador ay ang mga natira pang miyembro ng Magdalo group at mga mistah o dating kaklase upang maituloy umano nito ang mga adhikain ng kanilang hanay.
“Ok lang na tumakbo si Antonio at makapasok sa UNO slate, ang adhikain lang naman ay ang mawala na ang korapsiyon sa gobyerno at unahin ang iba pang prayoridad,†ayon pa sa ginang. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am