Sa halip, pinagtibay pa ng Mataas na Hukuman ang hatol ng CA na hindi maaring ipawalang-bisa ang kasal.
Sa 9-pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) First Division, sa panulat ni Sc Justice Adolfo Azcuna, ibinasura nito ang inihaing petition for certiorari na may petsang Agosto 5, 1999 at Enero 24, 2000 sa kasong ini hain ni Bernardino S. Zamora laban sa asawang si Norma Mercado-Zamora na nagbasura sa kahilingang ideklarang walang bisa ang kasal nila.
Bunga ito ng kabiguan ng appelant na si Bernardino na patunayang may psychological incapacity ang maybahay na si Norma kahit pa hindi ito nagka-anak osa kaniya at nanirahan ng 20 taon sa US at naging American citizen bilang nurse.
Kinontra din ni Norma ang akusasyon ng mister na ayaw niya magka-anak.
Kahit grounds na matatawag ang hindi pagsasama ng 20 taon ng mag-asawa sa isang bubong, malinaw din umano na kaya nag-abroad ang misis ay upang makatulong sa pagpapa-unlad ng kabuhayan nila at magkaroon ng sariling bahay na sinang-ayunan ng mister. Nakita rin na piniling mangibang bansa ng babae dahil sa kaliwa’t-kanang pambabae ng mister kung saan nagka-anak pa ito ng tatlo sa 2 kabit.
Ang hindi pagkakaroon ng anak ay masasabing bunga ng hindi nila pagsasama ng mahabang panahon. (Ludy Bermudo)