^

Bansa

‘Di pagkakaroon ng anak hindi dahilan ng annulment

-
Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing apela ng isang mister na nagnanais mabaligtad ang desisyon ng mababang korte at Court of Appeals (CA) na nagbasura sa inihaing niyang annulment of marriage laban sa kaniyang misis na hindi nagka-anak.

Sa halip, pinagtibay pa ng Mataas na Hukuman ang hatol ng CA na hindi maaring ipawalang-bisa ang kasal.

Sa 9-pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) First Division, sa panulat ni Sc Justice Adolfo Azcuna, ibinasura nito ang inihaing petition for certiorari na may petsang Agosto 5, 1999 at Enero 24, 2000 sa kasong ini hain ni Bernardino S. Zamora laban sa asawang si Norma Mercado-Zamora na nagbasura sa kahilingang ideklarang walang bisa ang kasal nila.

Bunga ito ng kabiguan ng appelant na si Bernardino na patunayang may psychological incapacity ang maybahay na si Norma kahit pa hindi ito nagka-anak osa kaniya at nanirahan ng 20 taon sa US at naging American citizen bilang nurse.

Kinontra din ni Norma ang akusasyon ng mister na ayaw niya magka-anak.

Kahit grounds na matatawag ang hindi pagsasama ng 20 taon ng mag-asawa sa isang bubong, malinaw din umano na kaya nag-abroad ang misis ay upang makatulong sa pagpapa-unlad ng kabuhayan nila at magkaroon ng sariling bahay na sinang-ayunan ng mister. Nakita rin na piniling mangibang bansa ng babae dahil sa kaliwa’t-kanang pambabae ng mister kung saan nagka-anak pa ito ng tatlo sa 2 kabit.

Ang hindi pagkakaroon ng anak ay masasabing bunga ng hindi nila pagsasama ng mahabang panahon. (Ludy Bermudo)

BERNARDINO S

COURT OF APPEALS

FIRST DIVISION

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

NORMA MERCADO-ZAMORA

SC JUSTICE ADOLFO AZCUNA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with