Defensor nag-resign na

Pormal nang nagbitiw kahapon sa puwesto si Presidential Chief of Staff Secretary Mike Defensor upang bigyang daan ang kanyang planong pagtakbo sa Senado sa darating na halalan.

Sa Lunes nakatakdang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec si Defensor.

Agad namang itinalaga ni Pangulong Arroyo si Albay Congressman Joey Salceda bilang kapalit ni Defensor.

Si Salceda ang siyang chairman ng House committee on finance at malaki ang kanyang responsibilidad sa pagpapatibay ng pambansang budget para sa 2007 na nagkakahalaga ng P1.126 trilyon. (Lilia Tolentino)

Show comments