Ito ay matapos na magsagawa kahapon ang Comelec Bids and Awards committee ng pro-bid conference para sa mga bibilhin nitong election materials kabilang ang mga ballpen, papel, indelible ink, ballot boxes at mga padlock at susi para rito.
Sinabi ni Chairman Benjamin Abalos na tinatayang P1 bilyon ang inilaang pondo para sa pagbili ng supplies kasama na ang P100,000 ballot boxes.
Nabatid na posibleng kapusin ng ballot boxes ang Comelec dahil kasalukuyang gamit ang mga ito sa election protest ni Loren Legarda laban kay VP Noli de Castro. (Gemma Amargo-Garcia)