^

Bansa

All systems go sa May polls

-
Sa kabila ng pangambang kukulangin ang supplies ng mga election materials tulad ng mga ballot boxes, siniguro kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na "all systems go" na para sa May 14, 2007 elections.

Ito ay matapos na magsagawa kahapon ang Comelec Bids and Awards committee ng pro-bid conference para sa mga bibilhin nitong election materials kabilang ang mga ballpen, papel, indelible ink, ballot boxes at mga padlock at susi para rito.

Sinabi ni Chairman Benjamin Abalos na tinatayang P1 bilyon ang inilaang pondo para sa pagbili ng supplies kasama na ang P100,000 ballot boxes.

Nabatid na posibleng kapusin ng ballot boxes ang Comelec dahil kasalukuyang gamit ang mga ito sa election protest ni Loren Legarda laban kay VP Noli de Castro. (Gemma Amargo-Garcia)

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

COMELEC BIDS AND AWARDS

GEMMA AMARGO-GARCIA

LOREN LEGARDA

NABATID

NOLI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with