‘Di kami inutil’  Villar
February 10, 2007 | 12:00am
Sa harap ng kantiyaw ng administrasyon na inutil ang Senado at dapat lansagin sa pamamagitan ng Charter change, ipinagmalaki kahapon ni Senate President Manuel Villar na kabuuang 100 batas ang ipinasa nito sa pagtatapos ng sesyon ng Kongreso.
Kasama sa mga inaprubahang batas ang pinakahihintay na anti-terror bill na aniya’y "Valentine’s gift" ng naturang kapulungan sa bayan.
"Kapaki-pakinabang ang mga Senador, salungat sa iniisip ng administrasyon," pagbibigay diin ng Senate President.
Ayon sa kanya, maagang ‘Valentine’s gift’ ng kanyang liderato ngayong Pebrero 14 sa humigit-kumulang 80 milyong Pilipino ang pag-apruba sa 100 panukalang batas, kasabay ang pagsasara ng dalawang Kapulungan ng Kongreso kahapon.
May kabuuang 100 panukalang batas ang inaprubahan ng Senado sa ilalim ng liderato ni Villar, katumbas lamang ang pitong (7) buwan simula nang maupo noong Hulyo 2006, kabilang ang 45 national bills at 60 local bills application.
"Maganda iyan, palagay ko heto ang pinakamataas na resulta nitong nakaraang 10 taon. Siguro maipagmamalaki ng Senado na naging very productive at wala nang makakapagsabi na mabagal ang Senado," pagmamalaki ni Villar sa magandang achievement ng Upper House.
Maging si Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng senate committee on labor and human resource development, hindi itinago ang paghanga sa liderato ni Villar matapos papurihan ang Senate President sa magandang performance at pagiging independent.
"We wish you the best in your campaign we also hope that you will rejoin us in next Congress. You are the Mr. Sipag at Tiyaga of this chamber, who rallied this chamber to an unprecedented legislation performance in a span of one year," papuri ni Estrada kay Villar.
Kumpara sa nagdaang regular session, sulit ang ginawang pagpupuyat at magdamagang sesyon ng Senado matapos ilusot ang labing-dalawang (12) panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa, kabilang ang priority bills ng administrasyong Arroyo.
Sa ilalim ng liderato ni Villar, pangulo ng Nacionalista Party (NP), nailusot sa huling araw ng sesyon ang anti-terror bill na naglalayong bigyang ngipin ang batas at maging epektibo ang paglaban sa terorismo, Tourism Bill naghihikayat sa mga dayuhang investor, at bagong charter ng University of the Philippines (UP).
Maliban dito, lumusot din ang pagkakaroon ng mandatory vaccine sa Hepa A upang maiwasan ang pagdami ng mga taong nagkakasakit sa atay, bagong charter ng PAGCOR, Personal Equity Retirement Account Law na naglalayong masiguro ang pera ng mga magre-retiro sa serbisyo, One Time Tax Amnesty Bill kung saan maaring ‘ayusin’ ng isang taxpayer ang kanilang nakaligtaang obligasyon na walang subcharges o babayarang multa.
Isa pang malaking achievement ng liderato ni Villar ang pagbibigay ng karagdagang benipisyo sa mga miyembro ng hudikatura o judiciary at paglikha ng karagdagang trial court sa buong kapuluan upang mapabilis ang pagdinig sa mga kaso. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended