Ayon kay Lapid, hindi man siya mahilig sa mga propaganda, alam ng mga Kapampangan na malayu-layo na rin ang narating ng probinsiya sa loob ng halos tatlong taon niyang panunungkulan bilang Gobernador.
Inamin din ni Lapid na bagama’t naging mahirap para tapatan ang magagandang accomplishment ng kanyang amang si Senador Lito Lapid noong ito ang nasa kapitolyo, sinabi ng batang Lapid na napatunayan din niyang nakinabang ang mga mamamayan sa epektibo niyang pamamahala.
Nitong 2006, ang Pampanga ay kinilala bilang isa sa pinakatahimik na teritoryo sa Central Luzon matapos itong makapagtala ng 4.5% crime rate sa loob ng 12 buwan.
Binigyang-diin ng batang Gobernador na ang maba bang crime rate at mataas na crime solution efficiency ng Pampanga PNP ay nagresulta rin sa pagdagsa ng mga investors at mga turista sa lalawigan nitong nakaraang taon.
Hinikayat ni Lapid ang kanyang mga "Cabalen" sa Pampanga na magpatuloy na magkaisa para sa pagsusulong ng kaunlaran at mapayapang lalawigan.