^

Bansa

Maunlad, tahimik na Pampanga napagtagumpayan ni Gov. Lapid

-
Progresibo at mapayapang Pampanga ang markadong napagtagumpayan ni Governor Mark Lapid sa loob ng unang termino nito bilang ama ng lalawigan.

Ayon kay Lapid, hindi man siya mahilig sa mga propaganda, alam ng mga Kapampangan na malayu-layo na rin ang narating ng probinsiya sa loob ng halos tatlong taon niyang panunungkulan bilang Gobernador.

Inamin din ni Lapid na bagama’t naging mahirap para tapatan ang magagandang accomplishment ng kanyang amang si Senador Lito Lapid noong ito ang nasa kapitolyo, sinabi ng batang Lapid na napatunayan din niyang nakinabang ang mga mamamayan sa epektibo niyang pamamahala.

Nitong 2006, ang Pampanga ay kinilala bilang isa sa pinakatahimik na teritoryo sa Central Luzon matapos itong makapagtala ng 4.5% crime rate sa loob ng 12 buwan.

Binigyang-diin ng batang Gobernador na ang maba bang crime rate at mataas na crime solution efficiency ng Pampanga PNP ay nagresulta rin sa pagdagsa ng mga investors at mga turista sa lalawigan nitong nakaraang taon.

Hinikayat ni Lapid ang kanyang mga "Cabalen" sa Pampanga na magpatuloy na magkaisa para sa pagsusulong ng kaunlaran at mapayapang lalawigan.

AYON

BINIGYANG

CENTRAL LUZON

GOBERNADOR

GOVERNOR MARK LAPID

LAPID

PAMPANGA

SENADOR LITO LAPID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with