^

Bansa

PNR employees, tatanggap ng benepisyo sa pagreretiro

-
Umaabot sa 1,600 empleyado ng Philippine National Railways (PNR) ang magtatamasa ng kanilang retirement benefits makalipas ang matagal na panahon ng paghihintay.

Ipinahayag ito nina PNR General Manager Jose Ma. I Sarasola II at Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Winston Garcia nang lagdaan nila kamakailan ang isang Memorandum of Agreement tungkol sa P859 milyon para sa PNR employee premiums na hindi nai-remit nang nakaraang 20 taon.

Alinsunod sa kasunduan, pinalabas ang P859 milyon para sa GSIS noong nakaraang buwan bilang bahagi ng P1 bilyon inilaan ng Department of Budget upang mabayaran ang matagal nang utang ng PNR.

Binigyang-diin ni Sarasola na dahil sa pinakahuling pangyayaring ito, makaluluwag-luwag na ang PNR sa pinansyal na problema nito. Aniya, ginagawa ng PNR ang lahat ng makakaya upang masimulan ang pagpapatupad ng kanilang programa sa modernisasyon nang hindi naisasakripisyo ang kapakanan ng kanilang mga manggagawa.

May mga bahagi ng pondong tinanggap ang ilalaan para sa kompensasyon ng mga kuwalipikadong personnel, sabi ni Sarasola.

Nagpasalamat siya sa naging pagsisikap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magawan ng paraang maipalabas agad ang kalakihang bahagi ng kinakailangang pondo na makatutulong upang muling sumigla ang operasyon ng PNR.

DEPARTMENT OF BUDGET

GENERAL MANAGER JOSE MA

GENERAL MANAGER WINSTON GARCIA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

I SARASOLA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PNR

SARASOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with