Senate employees kinasuhan

Sinampahan ng kasong robbery ang 7 kawani ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) at ang pamilya ng Ilusorio kaugnay sa ginawang pagpasok ng mga ito sa opisina ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) nitong nakaraang taon.Sa 8-pahinang resolusyon, sinabi ni Makati 2nd Assistant Prosecutor Edgardo Hirang na mayroong "probable cause" para isampa ang kaso laban kina Erlinda Iusorio Bildner, Marietta Kalaw Ilusorio, Kelly Ilusorio Raab, at mga kasamahan nitong sina Raul Baria, Rossanna Baria Hirang, at pitong kawani ng OSAA sa "pagnanakaw" ng mga dokumento at pera na nasa pangangalaga ni Manuel Andal, PHC director at treasurer. Ang mga dokumento ay ginamit bilang ebidensya ng Bildner-Ilusorio-Africa group laban sa karibal nitong sina Ramon Nieto at Enrique Locsin sa isinagawang Senate investigation. Una ng kinatigan ng Korte Suprema at Securities and Exchange Commission (SEC) ang grupo ni Locsin at Nieto na siyang dapat mamuno sa POTC at Philcomsat. (Rudy Andal)

Show comments