Nagbabala si Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. sa mga kandidato na mag-ingat sa paggamit ng pera na nagbuhat sa iligal dahil magiging mahigpit umano ngayon ang pamahalaan sa pag-monitor sa kanila.
Sinabi ni AMLC Executive Director Vicente Aquino na awtomatiko na umanong paglabag sa "anti-money laundering law" ang paggamit ng pondo na nakuha sa iligal na pamamaraan gaya ng droga, kidnap-for-ransom, iligal na sugal tulad ng jueteng at panghoholdap.
Iimbestigahan ng AMLC ang mga transaksyon ng mga kandidato sa bangko na aabot sa P500,000 o higit pa. Babantayan rin ang mga transakyon sa mga kumpanya ng insurance at stock market deals.
Pinagsusumite ng Comelec ang mga kandidato ng kanilang "financial report" matapos ang campaign period kung saan laman nito ang pinagkunan ng kanilang mga pondo, mga donasyon at mga ginastos. (Danilo Garcia)