FG nanghihinayang kay Cayetano
February 8, 2007 | 12:00am
Nagpahayag ng panghihinayang si First Gentleman Mike Arroyo na hindi sumunod si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa yapak ng ama nitong si dating Sen. Rene Cayetano, na isa niyang malapit na kaibigan.
"Sayang at tinalikuran ni Rep. Cayetano ang naging marangal na paglilingkod ng kaniyang ama sa Sambayanan. Imbes na maging maginoo at umamin na agad sa kaniyang pagkakamali, hinintay pa niyang mismong mga kapwa niya kongresista ang magpamukha sa kaniya ng kaniyang mga malisyosong kasinungalingan," pahayag ni Ginoong Arroyo matapos irekomenda ng House Ethics Committee ang pagsuspinde kay Cayetano ng 45-araw matapos itong nabigong maglabas ng anumang ebidensiya ng ibinibintang niyang tagong yaman ng Unang Pamilya sa Germany.
Pinuna ni Ginoong Arroyo na mismong mga kapwa kongresista na ni Cayetano ang nakapagpatunay na inosente ang kaniyang pamilya at ang mga paratang ni Cayetano ay pawang mga malisyosong kasinungalingan lamang.
Nangako kahapon ang Unang Ginoo na siya at Unang Pamilya ay lalong pag-iibayuhin ang manindigan para sa katotohanan laban sa mga abusadong nilalang na walang hangad kundi pigilan ang pag-unlad ng bansa matupad lamang ang kanilang mga ambisyon. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest