Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, pinag-iisipan nila na gamitin ang serbisyo ng estudyante ng ROTC subalit patuloy pa rin umano itong pagdedesisyunan sa en banc session.
Kailangan umano ng Comelec ng mahigit sa 900,000 na guro para preside sa may 250,000 poll precincts sa buong bansa subalit sa kasalukuyan mayroong lamang 470,000 public shool teachers ang maaring magsilbi sa darating na halalan sa Mayo 14.
Nilinaw pa ni Abalos na kung ang ROTC student ay hindi magamit bilang Board of Election Inspectors, maari namang silang italaga at makatulong sa pagbabantay ng mga presinto sa halip na mga pulis.
Hindi naman binanggit ni Abalos kung babayaran nila ang serbisyo ng mga ROTC student o libre lamang ito. (Gemma Amargo-Garcia)