^

Bansa

Ombudsman kinalampag sa Napocor ‘mafia’

-
Kinalampag kahapon ng ilang mambabatas ang Office of the Ombudsman upang imbestigahan ang diumano’y "mafia" sa National Power Corporation (Napocor).

Partikular na tinukoy ng mga kongresista ang kuwestiyunableng transaksiyon sa isang independent power producer (IPP) kaugnay sa posibleng pagbebenta umano ng mahal na kuryente sa Mindanao.

Ayon kina Bayan Muna Rep. Teodoro "Teddy" Casino, Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Akbayan Rep. Loretta Rosales, dapat ay silipin kaagad ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez ang "joint business venture" ng Napocor at Lanao Hydro Development Corp. (LHDC) na diumano’y kaduda-duda dahil lumalabag sa Electric Power Industry Reform Act (Epira).

Ipinaalala ng tatlong kongresista na isinusulong sa Epira ang kompetisyon sa power generation at distribution sector para sa mas murang kuryente. Ipinagbabawal din aniya sa Napocor ang pagpasok sa mga katulad na kontrata o ‘joint venture’ dahil sa programang privatization.

Ayon kay Casino, kung makikitang nalabag ng kontrata ang EPIRA, dapat lamang na kasuhan kaagad ng Ombudsman ang mga ‘signing parties’.

Labis namang ipinagtataka ng mga kongresista sa pananahimik ni Lanao del Sur Rep. Alipio Badelles, chairman ng House committee on energy, sa isyu nang hingan ng reaksiyon.

Nangangamba sina Casino na kung matutuloy ang kontrata, posibleng umabot sa umano’y average na P4.32 kada kilowatt hour sa halip na ang sinasabing mas murang mahigit P2.10 bawat kwh ang kuryente sa Mindanao. (Malou Escudero)

vuukle comment

AKBAYAN REP

ALIPIO BADELLES

ANAKPAWIS REP

AYON

BAYAN MUNA REP

CRISPIN BELTRAN

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

EPIRA

LANAO HYDRO DEVELOPMENT CORP

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with