Age requirement sa mga Pinay DH ginawang 23-anyos
February 4, 2007 | 12:00am
Niluwagan na ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) ang regulasyon para sa mga Pinay domestic helper na magtutungo sa ibang bansa.
Sinabi ni DOLE Secretary Arturo Brion na ang kanilang binagong hakbang ay hindi dahil sa bumigay na sila sa panggigipit ng ilang sektor kundi kinonsidera rin nila ang lahat na posisyon na isinumite ng ibat ibang stockholders tuld ng non-government organizations at ibang bansa.
Kabilang sa regulasyon ang age requiremet na mula sa dating 25 ay ginawa na lamang 23 anyos at ang mga bagitong domestic helpers na lamang ang kukuha ng TESDA competency assessment at language culture training mula sa Overseas Welfare Administration (OWWA).
Sa kabila nito, hindi pa rin ibinaba ng DOLE ang bagong minimum wage na $400.
Kabilang sa nilagdaang bagong panuntunan noong Disyembre 16, 2006 ay itinaas sa 25 anyos mula sa dating 18-anyos ang minimum age requirement o pinakabatang papayagang makapag-abroad; pagkuha ng competency certificate; pagbabawal ng paninignil ng placement fee at pagdoble ng sahod mula sa $200 ay ginawang $400 na hindi naman ikinatuwa ng mga Pinay DH.
Bunsod nito ay sunud-sunod na rali ang idinaos ng mga Pinay DH upang tutulan ang mga bagong regulasyon.
Giit ng mga nagprotesta na kakaunti lamang ang mga makakapag-abroad na Pinay DH at nawawalan na rin umano ng interes ang mga foreign employers dahil sa taas ng hinihinging minimum na sahod.
Sinabi naman ng OWWA na kuntento na rin ang mga Pinay DH sa nabanggit na bagong regulasyon ng DOLE at hindi na umano magsasagawa pa ng malawakang kilos-protesta ang mga ito. (Gemma Garcia/Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am