^

Bansa

Murder isinampa na: Re-investigation pinahihinto ni Leviste

-
Idinulog kahapon ni dating Batangas Governor Antonio Leviste sa Court of Appeals (CA) na mapahinto ang isinasagawang re-investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pamamaslang sa tauhan nitong si Rafel delas Alas.

Batay sa 26-pahinang petisyon, hiniling ng kampo ni Leviste na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang CA upang mapagbawalan ang DOJ sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Iginigiit ni Leviste na walang karapatan ang mga kaanak ni delas Alas na humirit ng muling imbestigasyon sa kasong nasa hurisdiksiyon na ng mababang hukuman. Hindi umano dapat ipagkaloob ang ‘option" na ito sa complainant kundi sa isang akusado.

Sinisilip din ng kampo ni Leviste ang remedyong ginamit ng complainant na sa halip na maghain ng petition for review sa DOJ ay tila inapakan nito ang karapatan ng korte sa kaso.

Mariin ding kinondena ng kampo ni Leviste ang hayagang pagtutol ni Justice Sec. Raul Gonzalez na homicide lamang ang kinabagsakan ng kaso na isinampa kay Leviste samantalang dapat ay murder umano.

Maliban pa rito ang ginawang pag-upgrade ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa kasong murder na inihain sa korte.

Binigyang-diin ni Leviste na imposible na magsagawa ng isang patas na imbestigasyon ang DOJ dahil mayroon na kaagad paghahatol ang mga ito sa kaso na maituturing na persecution at hindi prosecution.

Kaugnay nito, isinampa na rin kahapon ni Velasco sa Makati Regional Trial Court ang kasong murder kapalit ng homicide laban kay Leviste.

Sa inihaing amended information, iginiit ni Velasco na may elemento ng premeditation dahil nangyari ang pag-aaway nina Leviste at delas Alas noong Enero 11, 2007 bago naganap ang insidente ng pamamaril.

May elemento umano ng treachery ang kaso dahil binaril ng nakaupo si delas Alas at may excessive cruelty na nakita.

Agad namang kinontra ito ni Atty. Manuel Sison, abogado ni Leviste, sa pagsasabing walang treachery sa insidente dahil may sugat si delas Alas sa braso, indikasyong dumedepensa ito.

Nangangahulugan anyang alam nito ang ginawang pagbaril sa kanya, taliwas sa iginigiit ni Velasco na patraydor o pinagplanuhan ang pagpatay. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR ANTONIO LEVISTE

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SEC

LEVISTE

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL SISON

RAUL GONZALEZ

SENIOR STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with